Jubilee News

Searching...

Search News
Tags Start Date
End Date
Ang Pagdalaw ng Krus ng Pag-Asa sa Parokya ng Santa Candida Maria de Jesus Parish - Naic, Cavite

Ang Pagdalaw ng Krus ng Pag-Asa sa Parokya ng Santa Candida Maria de Jesus Parish - Naic, Cavite

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:15:01

๐€๐ง๐  ๐๐š๐ ๐๐š๐ฅ๐š๐ฐ ๐ง๐  ๐Š๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐  ๐๐š๐ -๐€๐ฌ๐š | ๐‡๐ฎ๐ง๐ฒ๐จ ๐Ÿ๐Ÿ’, ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ“
Kahapon, ika-24 ng Hunyo 2025 ay sinimulan ng ating Parokya, Santa Candida Maria de Jesus abg Pagdalaw ng Krus ng Pag-Asa sa mga nasasakupang Kapilya at Komunidad nito. Nanguna ngayong araw ang mga myembro ng komunidad ng Pagsibol 3, Pagsibol 3B, Pagsibol 4, Pasinaya Prime North at Pagsinag Place West. 
Namamalagi ngayon ang Krus ng Pag-Asa sa Kapilya ng Santa Ana- Pagsinag Place West kung saan ginanap ang isang Katekesis at Taize Prayer na pinangunahan ni Sis. Jasmine Garvez at Sis. Eva Ladera. Bago matapos ang gabi ay isinagawa rin ang Pagdarasal ng Santo Rosaryo.
๐Ÿ“ท Sis. Katrina Gabieta | Media Partner

Read More
Isang Biyaya, Isang PAMANA | 400 years of faith of the Church of Indang

Isang Biyaya, Isang PAMANA | 400 years of faith of the Church of Indang

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:14:44

A historic day unfolded in the town of Indang, Cavite as the ๐—ฆ๐˜. ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ด๐—ผ๐—ฟ๐˜† ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—š๐—ฟ๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—ฃ๐—ฎ๐—ฟ๐—ถ๐˜€๐—ต, celebrated its Grand Quadricentennial Celebration, marking 400 years of faith and one of the oldest churches in Cavite, with the theme โ€œ๐—ฃ๐—”๐˜€๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—น๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐—ฎ ๐— ๐—”๐˜†๐—ฎ๐—บ๐—ฎ๐—ป๐—ด ๐—ก๐—”๐—ธ๐—ฎ๐—ฟ๐—ฎ๐—ฎ๐—ปโ€
The celebration was blessed with the presence of the Apostolic Nuncio to the Philippines, Most Rev. Charles John Brown, D.D., together with the Bishop of Imus, Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, D.D.
St. Gregory the Great Parish of Indang is known for its strong devotion to the Seven Archangels, a tradition that continues to flow through the new generation. It is also one of the designated Maka-Diyos Jubilee Churches for the Jubilee Year 2025, appointed by Most Rev. Reynaldo G. Evangelista, Bishop of Imus.
Let us continue to walk together in faith as Pilgrims of Hope on this sacred journey of Lakbay Pag-asa.
๐Ÿ“ท | Photos by: 
Unoboy Camantigue
Ronn Estores
๐Ÿ“ | Caption Writer:
John Gabrielle Luna
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#LakbayPagAsa
#PAMANA400

Read More
KWENTO NG PAG-ASA: ALAB NG PANANAMPALATAYA | Episode 3 | Ang Birhen ng Fatima

KWENTO NG PAG-ASA: ALAB NG PANANAMPALATAYA | Episode 3 | Ang Birhen ng Fatima

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:14:32

Ating pakinggan ang mga kwento ng pananampalataya nina bro. Larry Basas at Sister Meldy Pastrana mula sa Binakayan, Kawit, Cavite.
Halinaโ€™t pakinggan at panoorin ang kanilang mga kwento ng pag-asa na pinanday ng matibay na pananampalataya sa Birhen ng Fatima, Tuklasin kung paano sila nabigyang inspirasyon at pag asa ng panginoon at ng mahal na birhen.
Ikaw, ano ang iyong kwentong pag-asa? Ibahagi ito sa comment section at magsilbing inspirasyon sa iba.


Maaring mapanuod ang video na ito sa ating Youtube Page:
Kwento ng Pag-asa | Episode 3

Video and edit by: Ronn Estores
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#LakbayPagAsa

Read More
KWENTO NG PAG-ASA: ALAB NG PANANAMPALATAYA | Episode 2 | Ang Reyna ng Karakol

KWENTO NG PAG-ASA: ALAB NG PANANAMPALATAYA | Episode 2 | Ang Reyna ng Karakol

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:13:15

Kasama ang Assistant Priest na si Rev. Fr. Mariel Legria Sumallo, gayundin ang mga debotong mananampalataya nina Sister Mercy Pulido at Bro. Christian Damian OFS ng Mahal na Birheng Santรญsimo Rosaryo โ€“ Reina del Caracol.
Halinaโ€™t pakinggan at panoorin ang kanilang mga kwento ng pag-asa na pinanday ng matibay na pananampalataya sa Mahal na Birhen. Tuklasin kung paano nagsimula ang makulay na kasaysayan ng Salinas at ng tradisyon ng Karakol na patuloy na nagpapalalim sa debosyon ng mga mamamayan.
Ikaw, ano ang iyong kwentong pag-asa? Ibahagi ito sa comment section at magsilbing inspirasyon sa iba.

Maaring mapanuod ito sa ating Youtube page sa pamamagitan ng pag-click ng link:
Kwento ng Pagasa | Episode 2


Videographer: Ronn Estores, Unoboy Camantigue
Edited by: Ronn Estores
Caption by: John Gabrielle Luna, Unoboy Camantigue
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#LakbayPagAsa

Read More
KWENTO NG PAG-ASA: ALAB NG PANANAMPALATAYA | Episode 1 | Kalakbay ni Tata Kiko!

KWENTO NG PAG-ASA: ALAB NG PANANAMPALATAYA | Episode 1 | Kalakbay ni Tata Kiko!

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:13:09

Sa piling ng mga deboto at mamamayan ng San Francisco de Malabon, General Trias, Cavite, isinabuhay nila ang kani-kanilang kwento ng pag-asa kay Tata Kiko.
Halina't pakinggan at panoorin ang kanilang mga patotoo sa kung paano naging ilaw ng pag-asa si Tata Kiko sa kani kanilang buhay.
Ikaw, Ano ang iyong kwentong pag asa? Maaari mong ibahagi sa comment section ang iyong kwentong pag asa.
Videographer: Ronn Estores
Edited by: Ronn Estores
Caption by: Unoboy Camantigue

Maaring mapanuod ito sa ating YouTube Page:
Kwento ng Pagasa | Episode 1 

#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#LakbayPagAsa

Read More
Opisyal na Pagpapahayag ng Dekreto sa Pagkakatalaga ng mga Jubilee Churches sa Diyosesis ng Imus

Opisyal na Pagpapahayag ng Dekreto sa Pagkakatalaga ng mga Jubilee Churches sa Diyosesis ng Imus

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:13:01

Pormal nang ipinahayag ang pagbubukas ng mga Jubilee Churches sa ating Diyosesis bilang bahagi ng pagdiriwang ng Taon ng Jubileo. Ang dekretong ito, na inilabas sa ilalim ng awtoridad ng Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, Obispo ng Imus, ay nagtalaga ng 20 piling simbahan sa loob ng Diyosesis bilang mga sagradong lugar para sa peregrinasyon, pagninilay, at pagtanggap ng plenary indulgences.  

Ibinahagi ang dekretong ito sa Sambayanan noong ika-31 ng Disyembre 2024 sa kani-kanilang mga Parokya at Dambana. Ginawa ito sa harap ng mga relihiyoso, layko, at mga mananampalataya, bilang hudyat ng pagsisimula ng biyaya at pananampalatayang paglalakbay para sa buong pamayanang pang-Diyosesis.  

Nawa'y ang mga Jubilee Churches na ito ay maging bukal ng pag-asa at espirituwal na pagbabagong-buhay para sa lahat ng naghahangad ng walang hanggang awa at pag-ibig ng Diyos. 

#Jubilee2025 #DioceseOfImus #PilgrimsOfHope #LakbayPagAsa

Read More
Hubileo 2025, binuksan na sa Diyosesis ng Imus; Jubilee Churches, nakatakdang ideklara

Hubileo 2025, binuksan na sa Diyosesis ng Imus; Jubilee Churches, nakatakdang ideklara

by Jubilee Media

Published at: 2025-06-28 10:12:45

LUNGSOD NG IMUS, CAVITE โ€” Ganap nang idedeklara mamayang gabi, Disyembre 31, ang 20 simbahan sa Diyosesis ng Imus sa Cavite na itinalaga bilang Jubilee churches para sa Taon ng Hubileo 2025, na may paksang "Pilgrims of Hope" o "Lakbay Pag-Asa."

Kabilang sa mga Jubilee church ang Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar o Imus Cathedral, at mga piling simbahan sa Bacoor, Carmona, Cavite City, Dasmariรฑas, General Trias, Kawit, Indang, Maragondon, Mendez, Naic, Rosario, Silang, Tagaytay, Tanza at Trece Martires.

Babasahin sa mga nasabing simbahan ang decree of declaration bilang Jubilee church sa kanilang mga Misa mamaya sa bihilya ng Dakilang Kapistahan ni Maria, Ina ng Diyos.

Pinangkat ang mga simbahan ayon sa limang core values ng Diyosesis, sa hangad na maranasan ng mga mananampalataya ang pag-asa at pagpapanibago upang "maging sambayanang Kristiyanong maka-Diyos, maka-tao, maka-buhay, maka-kalikasan at maka-bayan."

Hinihikayat ang pagdalaw sa hindi bababa sa limang Jubilee churches na ito.

Samantala, naunang binuksan ang Taon ng Hubileo sa Diyosesis noong Disyembre 29 sa Misang ginanap sa Katedral ng Imus na pinangunahan ng Lubhang Kagalang-galang na Obispo Reynaldo Evangelista at mga kasamang pari.

Bago ang Misa ay iprinusisyon ang Jubilee cross mula sa Our Lady of the Pillar Catholic School o OLPCS patungo sa katedral na nilahukan ng mga pari, relihiyoso at relihiyosa, at layko mula sa iba't-ibang parokya at institusyon ng Diyosesis.

Nagtipon din ang mga kabataang Kabitenyo sa OLPCS para sa isang Youth Assembly kung saan pinagnilayan ang Salita ng Diyos at ang pagtugon sa tawag na mas mapalapit kay Kristo bilang Bukal ng Pag-asa sa kabila ng mga hamon sa buhay. (Mark Anthony B. Gubagaras, Diocese of Imus SOCCOM; larawang kuha ni Unoboy Camantigue, San Francisco de Malabon Parish SOCCOM)

Read More
Jubilee Year Logo
Diocese of Imus Logo

General Castaรฑeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.0.10