Pilgrims of Hope / Lakbay ng Pag-asa
Ang kabuuan ng logo at nagpapakita na ang ating paglalakbay ay hindi isang pansariling gawain o hangarin lamang kundi pangkalahatan bunsod ng masidhing hangarin ng paglalakbay patungo kay Kristo, ang tagapagbigay pag-asa sa ating buhay.
Ang krus ni Kristo ang pag-asang hindi dapat ipag-walang bahala o iwan sapagkat sa tuwina’y ito ang ating kailangan lalo na sa mga sandal ng ating kahinaan. Ang krus sa logo ay yumuyuko patungo sa sangkatauhan, hindi iniiwan ang mga tao na nag-iisa, ngunit umaabot sa kanila upang mag-alok ng katiyakan ng presensya nito at ang seguridad ng pag-asa.
Ang hugis ng mga tao ay naglalarawan ng pagkakaisa ng sangkatauhan buhat sa apat na sulok ng mundo na inilalarawan ng pagkakapit-kapit sa isa’t isa sa krus ni Kristo, ang pinagkukunan ng pag-asa ng sanlibutan.
Ang krus ay hugis layag na naging isang anklang matibay na ipinaglalaban ang bangka sa malalaking alon. Pangkalahatang sagisag ng pag-asa.
Ang malakas na alon ay nagpapaalaala ng mga hirap at pagsubok na kaakibat ng ating paglalakbay sa buhay maging pangsarili man o pang sandaigdigan na kapag tayo ay nabibigatan ay naghahanap tayo ng pagkukunan ng pag-asa.
General Castañeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786