Catechism

Mga Ilang Katanungan tungkol sa Jubileo

Jubilee Image 1

Saan matutunghayan ang batayan ng “Taon ng Jubileo” sa Bibliya?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Sa Aklat ng Leviticus 25:11-12: "Ang ika-50 taon ay ituring ninyong natatanging taon dahil iyon ay panahon ng pagpapalaya ng mga alipin para sila'y makabalik na sa sarili nilang sambahayan. Panahon din ito ng pagsasauli sa may-ari ng mga lupain na ipinagbili niya.

Sa taong ito, na Taon ng Pagpapalaya at Pagsasauli, huwag kayong magtatanim sa inyong mga bukirin at huwag din kayong mag-aani o mamimitas ng mga bunga ng mga tanim na kusang tumubo, pero maaari kayong kumuha para may makain kayo. Ito'y banal na taon para sa inyo.

Ano ang pinagmulan ng Taon ng Jubileo sa Iglesia Katolika?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Ang pinagmulan ng tradisyon ay noong taong 1300 A.D., kung kailan si Papa Bonifacio Vll ay nagpahayag ng isang "Banal na Taon", na kasunod nito ang mga "Ordinaryong Jubileo" ay pangkalahatang ipinagdiriwang ng Simbahang Katolika tuwing ika-25 o ika-50 taon.

Jubilee Image 2
Jubilee Image 1

Ano ang layunin ng mga “Taon ng Jubileo” sa Iglesia Katolika?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Ang Taon ng Jubileo ay isang espesyal na banal na taon ng biyaya ng kapatawaran ng mga kasalanan. Ang tradisyonal na tungkulin nito ay upang matulungan ang mga mananampalataya na tumuon sa pagpapatawad, pagkakasundo, at paglalakbay sa pag- asa kay kristo.

Ano ang tema ng “Taon ng Jubileo” 2025?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Ito ay nakasentro sa temang "Manlalakbay sa Pag-asa" (Pilgrims of Hope") na nakabatay so Sulat ni Aposto Pablo sa mga taga Roma 5:5 "Ang pag-asa at hindi nagbibigo, sapagkat ibinuhos ng Diyos sa ating puso ang kanyang pag-big sa paramagitan no Banal na Espiritu na ipinagkaloob sa atin".

At sa sariling kapahayagan ni Papa Francisco: Kailangan nating pag-alabin ang apoy ng pag-asa na ibinigay sa atin, at tulungan ang lahat na makakuha ng bagong lakas at katiyakan sa pamamagitan ng pagtingin sa hinaharap na may bukas na diwa, isang pusong nagtitiwala at malayong pangitain".

Jubilee Image 2
Jubilee Image 1

Ano ang magiging ganap sa mga diyosesis para sa pagsisimula ng "Taon ng Jubileo"?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Hindi na isasagawa ang tradisyonal na pagbubukas ng "Banal na Pintuan". Sa halip, hiniling ni Papa Francisco sa mga obispo na ipagdiwang ang taimtim na pagbubukas ng Jubileo sa ika-29 ng Disyembre, Linggo.

Iminungkahi na magkaroon ng isang paglalakbay na nagtatakda mula sa isang simbahan na pinili para sa pagtitipunanan at pagkatapos ay magpapatuloy sa katedral na sumisimbolo sa paglalakbay ng pag-asa.

Sa ating diyosesis, gagawin ang paglalakbay ng pag-asa sa nasabing petsa sa ganap na ika-9:00 ng gabi, mula sa Jesus Good Shepherd School, patungong Katedral, at doon ipagdiriwang ang Misa para sa Pagbubukas ng Jubileo.

Ano ang kahulugan ng "Indulhensya"?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Ayon sa Katesismo ng Simbahang Katoliko, Bilang 1471, ang indulhensiya ay "ang pagpapatawad ng Diyos sa mga temporal na kaparusahan dahil sa kasalanang napatawad na".

Ang indulhensya ay isang paraan upang mapagaan ang kaparusahang dapat pagdusahan ng isang tao dahil sa kanyang mga kasalanan.

Ang nakapagpapagaan ay ang tulong buhat sa kayamanan ng kahabagan mula sa pag-aalay ng buhay ng Panginoong Jesukristo at ng mga banal. Maaari itong ilapat sa sarili o sa kaluluwa ng namatay, ngunit hindi sa ibang taong buhay.

Jubilee Image 2
Jubilee Image 3

Anu-ano ang mga dapat gawin para sa pagkakamit ng "Indulhensya Plenaria"?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Ayon sa batas ng Simbahan, ang indulhensya plenaria ay maaaring makamit isang beses sa isang araw. Narito ang mga pangkalahatang kondisyon:

  1. Maging nasa kalagayan ng biyaya o ganap na pakikipag-isa sa Simbahan;
  2. Magkaroon ng panloob na disposisyon ng ganap na paghihiwalay sa kasalanan (mortal at venial);
  3. Magsisi sa Sakramento ng Kumpisal;
  4. Tumanggap ng Banal na Komunyon sa Banal na Misa;
  5. Magdasal ng "Ama Namin" at "Aba Ginoong Maria" para sa Santo Papa.

Kailan dapat isagawa ang mga nabanggit na "pangkalahatang kondisyon"?

Katesismo tungkol sa Jubileo

Angkop ngunit hindi kinakailangan na ang Kumpisal, Komunyon, at panalangin para sa Santo Papa ay gawin sa mismong araw ng paglalakbay.

Sapat na ang mga ito ay maisagawa sa loob ng 20 araw bago o pagkatapos ng gawaing indulhensya.

Huwag nating sayangin ang Taon ng Jubileo – isang taon ng pagpapatawad, pagbabalik-loob, at panibagong pag-asa kay Kristo.

Jubilee Image 4
Jubilee Year Logo
Diocese of Imus Logo

General Castañeda St, Pob-1A

City of Imus, Cavite, 4103

Email: [email protected]

Phone: (046) 471-2786

Privacy Policy

Version: v1.0.10