Searching...
June 21, 2025
๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐๐๐ฅ๐๐ฐ ๐ง๐ ๐๐ซ๐ฎ๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ -๐๐ฌ๐
Bilang bahagi ng programa ng Buwan ng Maka-Diyos, inilunsad ang paglalakbay ng Jubilee Cross ng mga Jubilee Churches sa ibaโt ibang parokya sa loob ng Diyosesis ng Imus, kabilang na ang mga parokyang hindi napiling maging Jubilee Church.
Layunin ng gawaing ito ang sama-samang paglalakbay ng buong sambayanang Katoliko, upang mas makilala at maunawaan ng bawat mananampalataya ang diwa ng pag-asa at kung paano tayo, kasama ang mga komunidad na nasasakupan, ay maaaring maglakbay tungo sa tunay na pag-asa.
๐ | Caption by:
John Gabrielle Luna
โ๐ป | Publication Material by:
Trisha Paulette Aron
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#LakbayPagAsa
June 21, 2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐
Ngayong darating na Hunyo 21 hanggang Agosto 31, ipinagdiriwang natin ang โMaka-Diyosโ season bilang bahagi ng pagdiriwang para sa taon ng Hubileo 2025 sa Diyosesis ng Imus.
Isa itong paanyaya sa atin upang magnilay at muling itaas ang ating pusoโt isipan sa Diyos na bukal ng ating pananampalataya, pag-asa, at pagmamahal.
Ang โMaka-Diyosโ ay higit pa sa tema, ito ay isinasabuhay sa bawat panalangin, pasya, at pagkilos na may pananampalataya. Sa bawat araw, tinatawag tayong manalig sa gitna ng pagsubok, magpasalamat sa kabila ng kakulangan, at maging buhay na saksi ng presensya ng Diyos sa ating kapwa.
๐ | Caption by: Cedrik Sevillena
โ๐ป | Publication Material by: Trisha Paulette Aron
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#MakaBuhayMonth
#LakbayPagAsa
May 18, 2025
๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐
Ngayong darating na Mayo 18 hanggang Hunyo 15, ipinagdiriwang natin ang โMaka-Buhayโ Month bilang bahagi ng paghahanda para sa Jubilee 2025 sa Diyosesis ng Imus. Isang paanyaya ito sa ating lahat upang alalahanin at ipagdiwang ang mga karanasan ng pagbangon, muling pag-asa, at bagong buhay na ating natamo mula sa Panginoon.
Ang โMaka-Buhayโ ay hindi lamang isang tema, ito ay isang panawagan upang pahalagahan ang bawat biyayang buhay na ibinibigay sa atin araw-araw. Sa gitna ng hamon ng buhay, tayo ay tinatawag upang maging tagapagtanggol ng buhay, tagapagdala ng liwanag, at saksi ng kabutihan ng Diyos.
Caption by: Cedrik Sevillena
Publication Material by: Trisha Paulette Aron
#Jubilee2025
#DioceseOfImus
#PilgrimsOfHope
#MakaBuhayMonth
#LakbayPagAsa
December 29, 2024
Ang Pagbubukas ng Taon ng Hubileyo 2025: Lakbay Pag-asa (Pilgrims of Hope) sa Diyosesis ng Imus, sa Inang Simbahan ng Lalawigan ng Kabite - Katedral ng Imus
Sa pamumuno ng Lubhang Kgg. Reynaldo G. Evangelista, kasama ang mga Kaparian ng Diyosesis ng Imus.
8:15 PM | Collectio at Perigrinasyon mula Our Lady of the Pillar Catholic School patungong Katedral
9:00 PM | Banal na Misa para sa Pagbubukas ng Taon ng Hubileyo 2025 sa Diyosesis ng Imus
#DioceseOfImus #DiyosesisNgImus #ImusDiocese
#TheImusCathedral #ImusDiocesanShrine
#DSPOLP #KatedralNgImus
#Jubilee2025 #Hubileyo2025 #Iubilaeum2025
#PilgrimsOfHope #LakbayPagAsa
December 29, 2024
TAON NG HUBILEO 2025, BUBUKSAN NA SA DIYOSESIS NG IMUS!
TARA NA AT MAKI-LAKBAY PAG-ASA!
Ngayong araw na, ika-29 ng Disyembre, ang makasaysayang pagbubukas ng Jubilee Year o Taon ng Hubileo sa ating Diyosesis! Halina't makiisa, ipagdiwang ang biyaya ng pananampalataya, at tanggapin ang panibagong sigla mula sa Panginoon.
Programa para sa OPENING CEREMONIES
6:30 p.m. - Youth Assembly (sa Our Lady of the Pillar Catholic School)
8:15 p.m. - Prusisyon (mula sa Our Lady of the Pillar Catholic School patungong Imus Cathedral)
Paalala: Ang prusisyon ay mahalagang bahagi ng ating pagdiriwang dahil kumakatawan ito sa ating sama-samang paglalakbay nang may pag-asa. Hinihikayat tayong lahat na makiisa, lalo na ang mga may lakas at kakayahang maglakad. Sa mga hindi makakasama sa prusisyon dahil sa kapansanan, mangyaring dumiretso na sa patio ng katedral para sa Banal na Misa.
Paki-tingnan ang kalakip na Ruta ng Prusisyon.
9 p.m. - Pagdiriwang ng Banal na Misa (sa Diocesan Shrine and Parish of Our Lady of the Pillar - Imus Cathedral)
Ang Misa ay pangungunahan ng ating obispo, Lubhang Kagalang-galang Reynaldo G. Evangelista, D.D., at mga kasamang pari.
Maging bahagi ng sama-samang paglalakbay ng ating Diyosesis sa diwa ng pag-asang kaloob ng Diyos. Magkita-kita tayo!
____________________________
Bisitahin ang ating website at manatiling nakatutok sa ating mga opisyal na social media account:
Website: https://www.dioceseofimus.org/
Facebook: https://web.facebook.com/dioceseofimus, https://www.facebook.com/Jubilee2025DioceseOfImus
Youtube: https://www.youtube.com/@dioceseofimus1961
#Jubilee2025 #DioceseOfImus #PilgrimsOfHope #LakbayPagAsa
General Castaรฑeda St, Pob-1A
City of Imus, Cavite, 4103
Email: [email protected]
Phone: (046) 471-2786